Pages

Wednesday, November 28, 2007

PINOY LAMANG portion NUMBER 1


Isang magandang pagbati sa lahat ng pilipinong mambabasa. This would be my first "PINOY LAMANG" portion here at Bluedreamer's Paradise at para sa una kong article we will give focus to Philippine Entertainment

iam not a member of media,press,l\journalism or whatever related professions but as a Filipino citizen and as a viewer of Philippine Television ay maraming mga bagay-bagay at obserbasyon ang nabuo sa aking isipan.

isa na rito ay ang magiging topic natin ngayon tungkol sa......
PREDOMINANCE OF FOREIGN TELENOVELAS IN PHILIPPINE TV
Ang "telenovela" ay mula sa pinagsamang "telebisyon" at "nobela".Isa itong uri ng paglalahad ng isang mahabang kwento sa pamamagitan ng pagsasadula ng mga artista sa telebisyon.
Way back 1980's ay nasubaybayan ng buong pilipinas ang buhay at pagpapakasakit ni FLORDELUNA played by Ms Janice de Belen

at naantig ang puso ng sambayanan sa katunggali nitong palabas na ANALISA played by former Julie Vega

Dito naipakita ng mga Pilipino ang tunay nilang kahusayan at galing sa paggawa ng isang dekalidad na telenobela na matagumpay na naglalahad ng buhay ng isang pilipino

Way back 1990's matatandaan natin ay nagkaroon ng isa pang telenovela na tunay namang pumatok sa puso ng masang Pilipino.Sino ba namang di makakaalala sa buhay ni MARA sa kamay ng pagpapahirap sa kanya ni CLARA

Ngunit sa taon ding iyon ay tumatak sa kalendaryo ng masang pilipino ang kaunaunahang angkat na telenobela mula sa ibang bansa.
Sino ba naman ang di makakalimot sa alindog ng Singer/actress ng Mexico na si thalia sa pagganap nya bilang MARIMAR
Tunay ngang naging malaking epekto sa buhay ng mga pilipino si Marimar
Sa katunayan halos lahat ng karakter sa nasabing telenobela ay tumatak sa isip at puso ng mga pilipino

Dahil nga sa lakas ng impact sa masa ay nagsunod-sunod ang pag-angkat ng telenobela mula sa Mexico

ROSALINDA AT MARIA LA DEL BARIO ay isa lamang saa mga ito


Ngunit kalaunan ay nanamlay ang mga Mexican telenovelas na nagbunsod ng pag angat muli ng mga Pinoy-made telenovelas

Sa pagkakataong ito ay nagkaroon ng pagbabago sa mga nasabing karakter ng telenobela.Isang malaking "twist" ito kung ating mapapansin

Gaya na lamang ng MULA SA PUSO Played by ms claudine bareto

PANGAKO SAYO by Ms Kristine Hermosa
IKAW LAMANG ANG MAMAHALIN by Ms Angelika dela Cruz
at SANA IKAW NA NGA by Ms Tanya Garcia
What do you noticed to all these women? dibat pawang mga kutis banyagha ang mga ito
Kahit pa sabihin natin na humahabol lamang ang Pilipinas in terms of Fashion and beauty di natin maikukubli na ito ay epekto lamang ng pag-adopt natin sa mga foreign telenovelas

Year 2004 bagamat sa ibang timeslot ay masasabing di biro ang naging epekto ng pagpasok ng panibagong angkat na telenovela sa ibang bansa
kinilig ang mga kababaihan at nahalina ang mga kalalakihan sa kanilang istilo at pananamit
Tunay ngang tumatak ang F4 ng METEOR GARDEN ,isang telenobelang angkat mula sa Taiwan


matapos ang Meteor Garden ay nagkaroon pa ng ibang Chinovela sa bansa gaya ng MY MVP VALENTINE ng 5566at METEOR GARDEN 2Admittedly di gaanong tumnagal ang mga Chinovela sa bansa gaya ng pagtatagal dito ng mga Mexican telenovela

Nanamlay rin ang Pinoy telenovela at di gaanong umeere ng matagal na halos di umaabot ng isang taon

Nanamlay ito at lumaganap naman ang pagkakaroon ng mga reality search sa telebisyon na inilagay pa sa primetime

gaya ng STAR IN A MILLION at SEARCH FOR A STAR

STAR CIRCLE QUEST
at STARSTRUCK
year 2006 ay nagkaroon uli ng panibagong angkat na telenovela

Koreanovelas invades our heart

tumatak agad ang karakter ni Vivian ng LOVERS IN PARIS

Natalo ang ratings ng PBB ng dakilang si Jang Geum ng JEWEL IN THE PALACE Nakilala natin ng lubusan ang kagitingan ni Heneral JUMONG
Naging saksi sa pagiibigan ng ENDLESS LOVE
Nakidalamhati sa STAIRWAYS TO HEAVEN
Nakisaya kina jessie at justin sa FULL HOUSE

at nahalina sa PRINCESS HOURS
At hanggang ngayon ay nagingibabaw parin ang koreanovela sa bansa bgunit di parin natin ito masasabi dahil sa nagiging patok ngayon ang paggawa ng mga telefantasya at mga remakes ng pelikula
Di ba natin maisip na nakalaya nga tayo sa pangaapi ng mga dayuhan sa kabila ng pagiiwan nila sa atin ng ilang paguugali at mga tradisyon ay patuloy parin tayong sinasakop ng mga ito sa pamamagitan ng mga banyagang telenovela
ang paggaya natin sa kanila bilang huwaran ay isang patunay na ang ating bansa ay di parin lumalaya sa mga ito
Di bat ang pagtangkilik sa likha ng iba ay maituturing na "COLONIAL MENTALITY",isang paguugali na kailanman ay di na ata maalis sa ating mga pinoy
Ano nga ba ang dahilan at gayun na lamang ang pagkahumaling batin sa mga Foreign telenovela.Sa aking obserbasyon ay may magkakaibang salik ang bawat telenobela ng ibatibang bansa

Nasapol ngg mga istorya ng mga Mexicanovela ang puso ng mga pinoy dahil na rin sa "RICH AND POOR na sistema at mga triumphant story na hatid ng mga ito
Ngunit aminin natin na masyadong maselan ang mga eksena sa nadsabing telenobela dahil sa pulos halikan ang masasaksihan

Iba naman ang dahilan ng pagtangkilik ng mga pinoy sa mga chinovela,malamang ay sumakto lamang ang mga ito sa tinatawag na "developing age o progression ng pilipinas"

Nauso sa lahat ang paggamit ng cellphone at umunlad ng lubusan ang fachion industry ng bansa

mga salik na matatagpuan sa mga telenobelang ito na masasabing naka-angkop ang masang pilipino

Ang tunay na pagiibigan naman ang pambato ng mga koreanovela

ang Tragedy-romance ay isang perpektong kombinasyon ng mga ito bagamat halos lahat ng istorya ay maynamamatay na main cast ay tinangkilik pa din ito ng masa

Mayroon lamang akong iiwang mga salita,

Si VIVIAN ng lovers in paris,

Si BETTY ng Betty la fea,o maging si Tina ng taba tina

di bat mga simpleng tao sila? di pansinin at ddi kagandahan ngunit pumatok parin sila sa puso ng mga pinoy

bukod sa BAKEKANG played by Sunshine Dizon ay wala na akong nakitang kagaya ng mga naunang nabanggit

Sa aking palagay ay wala sa ganda ng tauhan, gara ng kasuotan,laki ng gastos sa produksyon at bigating artista ang pinagbabatayan lamang ng masang Pilipino dahil nasa Telenobela na mismo iyon na kung saan makakaangkop ang pinoy at maipapakita ang tunay na eksena ng buhay ng pilipino